‘Wag mag-panic buying - Malacañang
MANILA, Philippines — Nakiusap ang Malacañang sa mga mamamayan sa National Capital Region (NCR) na huwag gamitin ang isang linggong palugit bago ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa pagpa-panic buying.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dahilan para mag-panic buying dahil bukas naman ang mga pamilihan.
Magsisimula ang ECQ sa NCR sa Agosto 6-20, 2021.
Sinabi ni Roque na ang isang linggong palugit ay para sa pagpaplano lalo na sa mga maaapektuhang negosyo.
Nilinaw din niya na wala pang malaking banta at nasa low risk pa rin NCR at magpapatupad lamang ng ECQ upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng may Delta variant ng COVID-19.
- Latest