OCTA binanatan ng DOH expert sa ‘media hype’
MANILA, Philippines — Tahasang tinuligsa ng isang miyembro ng Department of Health (DOH) expert panel group ang independent OCTA Reseach group na umano’y naglalabas lamang ng “media hyped” at “poorly designed studies” kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 pandemic ng bansa.
Ito ay makaraang manawagan ang OCTA sa DOH na magpatupad na ng “circuit breaker” dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 habang naglalabas din sila ng sariling “daily bulletins” at “analysis” base sa kanilang mga numero.
“Poorly designed studies and media-hyped jumping to conclusions by amateur fortune tellers causes harm by making people panic and taking needless risks,” ayon kay Dr. Edsel Salvaña, miyembro ng Technical Advisory Group on COVID-19 ng pamahalaan.
“This is why we need real experts and not epistemic trespassers,” ayon pa rin kay Salvaña sa kanyang Facebook post.
Iginiit niya na minsan ay nagdudulot ng takot at panic ang inilalabas na mga “projections at analysis” ng OCTA habang hindi naman sila “accountable” kaninuman sa kanilang mga inilalabas sa publiko.
- Latest