^

Bansa

Bagong patay sa COVID-19 sa 'Pinas lumundag sa 176; local cases 1.57-M na

Philstar.com
Bagong patay sa COVID-19 sa 'Pinas lumundag sa 176; local cases 1.57-M na
Marikina residents, who are among the 250 evacuated families from barangays near the river, assemble makeshift dwelling spaces inside classrooms of the H. Bautista Elementary School after days of heavy rainfall likely to trigger flashfloods.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,735 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Huwebes, kung kaya't nasa 1.57 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,572,287
  • Nagpapagaling pa: 56,273, o 3.6% ng total infections
  • Kagagaling lang: 4,069, dahilan para maging 1,488,437 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 176, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 27,577

Delta variant deaths 8 na

  • Umabot naman na sa walo ang namamatay sa Delta variant sa Pilipinas matapos maitala ang 97 bagong kaso nito, ayon sa bagong batch ng whole genome sequencing results na inilabas ng DOH, UP Genome Center at UP National Institutes of Health.

  • Kinumpirma naman ng DOH na nagkaroon ng paglabag sa quarantine protocols ang Quezon City Police District matapos mapag-alamang nagtalaga ng mga pulis na nag-aabang pa ng COVID-19 test results noong State of the Nation Address (SONA). Lumalabas na 51 sa nag-duty na pulis ay positibo sa virus.

  • Kaugnay ng paglabag na 'yan, sinibak sa pwesto si Police Lt. Col. Cristine Tabdi, police station commander ng Talipapa police station, dahil sa pagde-deploy ng 51 pulis bilang SONA security kahit nag-aabang pa ng COVID-19 swab results.

  • Itinataas na muli mula "low risk" patungong "moderate risk" ang Pilipinas kaugnay ng COVID-19 matapos ang biglaang pagtaas ng mga nagpopositibo kamakailan, ayon sa DOH kanina.

  • Kinumpirma naman ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong araw na patuloy na mabibigyan ng ayuda ang mga pamilyang nakatira sa mga enhanced community quarantine (ECQ) areas hanggang ika-7 ng Agosto. Kasama riyan ang 1 milyong katao mula Iloilo City, Iloilo province, Cagayan de Oro at Gingogg City.

  • Kumpleto naman na ang COVID-19 vaccine doses na naituturok sa mga 7.27 katao ngayon sa Pilipinas, ayon sa Malacañang. Kumakatawan 'yan sa 6.66% ng 109 milyong populasyon ng bansa.

  • Umabot na sa 195.26 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.18 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

DELTA VARIANT

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with