^

Bansa

Delivery riders sakop ng labor law – DOLE

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sakop ng Labor Code of the Philippines ang mga food delivery riders kung mapapatunayan na mayroong umiiral na ‘employer-employee relationship’ sa digital platform company na kanilang pinapasukan.

Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, kung mapapatunayan na direktang empleyado ng isang digital platform ang isang rider, may karapatan sila sa mga benepisyo na nasa ilalim ng Labor law.

Ngunit para sa mga ‘independent contractors’ o ‘freelancers’, sasakupin sila ng kanilang pinirma­hang kontrata o kasunduan kabilang na ang uri ng pasuweldo at benepisyo.

Mapapatunayan na may ‘employer-employee relationship’ sa pamamagitan ng pag-analisa sa kung paano tinanggap ang isang empleyado, pagbabayad ng suweldo, ‘power of dismissal’ at kapangyarihan sa pagkontrol sa gawi ng empleyado.

Kung empleyado ang isang delivery rider, may karapatan sila na mabigyan ng ‘minimum’ na suweldo, ‘holiday pay, premium pay, night shift differential, leaves, 13th month pay, separation pay, at retirement pay. May karapatan na mabigyan ng SSS accounts, PhilHealth at Pag-IBIG at iba pang benepisyo.

Kabilang din sa kani­lang magiging karapatan ang ‘security of tenure’, karapatang mag-organisa, at collective bargaining.

vuukle comment

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with