^

Bansa

‘Signal jamming’ ipatutupad ngayon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng “signal jamming” sa ilang bahagi ng Quezon City habang limitado ang lugar ng mga raliyista habang isinasagawa ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Police Major General Vicente Danao Jr., kailangang gawin ang  signal jamming  para matiyak ang  seguridad ng  SONA.

“Mayroon din po sa specific areas na hindi gagana po ang (signal) dahil mayroon tayong jammer,” ani Danao.

Upang hindi makaapekto sa daloy ng trapiko at maiwasan ang hawaan, nagtalaga rin ng  lugar ang pulisya para sa mga grupo o indibiduwal na magsasagawa ng protesta.

Nabatid  na hanggang St. Peter sa Tandang Sora, Quezon City lang maaaring mag-rally ang iba’t  ibang cause oriented groups. Mayroon ding lugar na inilaan ang mga pro-administration  rallyist.

Sa banta ng Delta variant, umapela si Danao sa mga raliyista na ikonsidera ang kanilang pagtitipon upang maiwasan ang  hawaan.

Sinabi ni  Danao  na nag-usap na sil ni QC Mayor Joy Belmonte, mga opisyal ng Quezon City Police District at mga raliyista at nagkasundo  sa SONA arrangements.

vuukle comment

SONA 2021

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with