Zero COVID-19 deaths naitala ngayong araw sa bansa dahil sa 'technical issues'
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 6,845 bagong infection ng coronavirus disease, Biyernes, kung kaya't nasa 1,537,097 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 1,537,097
- nagpapagaling pa: 55,069, o 3.6% ng total infections
- bagong recover: 2,330, dahilan para maging 1,455,137 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 0, dahilan para manatili ang total local death toll sa 26,891
Mga tsikiting sa NCR bawal na uli sa labas
-
Walang naitalang bagong namatay sa COVID-19 ngayong araw, hindi dahil wala talagang fatalities, ngunit dahil sa mga umiiral na isyu sa COVIDKaya: "This is currently being investigated with the Department of Information and Communications Technology and a resolution is expected in the next few days. Rest assured that the DOH is exerting all efforts to update the cases as soon as possible," ayon sa DOH.
-
Ibinalik ng gobyerno ang Metro Manila, kasama ang apat na iba pang probinsya, sa mga lugar na ilalagay sa general community quarantine "with heightened restrictions" hanggang katapusan ng Hulyo, isang araw matapos ianunsyo ang local transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
-
Ngayong ganito ang classification sa Kamaynilaan at iba pang erya, pagbabawalan uli tuloy ng pamahalaan ang paglabas-labas ng bahay ng mga 5-anyos pataas mula sa mga nasabing lugar.
-
Bilang pagtugon pa rin ng gobyerno sa pagkalat ng Delta variant sa Pilipinas, pormal nang idinagdag ang mga biyahero mula bansang Malaysia at Thailand sa mga papatawan ng travel ban, ayon sa Malacañang kanina.
-
Nadagdagan na naman ng 1 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw. Ito'y matapos dumating ang karagdagang mga gamot mula sa Chinese drug maker na Sinovac sa Ninoy Aquino International Airport bandang 7 a.m.
-
Iniulat naman ng DOH kanina na nasa 18 sa mga tinamaan ng Delta variant sa Pilipinas ay panay mga hindi pa bakunano laban sa COVID-19, bagay na lubhang mas mataas kumpara sa dalawang tinamaan nito na fully-vaccinated. Sa kabila nito, meron pang 23 indibidwal na bineberipika pa ang vaccination status.
-
Umabot na sa 191.77 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.12 milyong katao.
— James Relativo
- Latest