^

Bansa

Pinas may ‘local transmission’ na ng Delta variant

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas may �local transmission� na ng Delta variant
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t kalat-kalat ang mga natuklasang Delta variant cases, nagpatupad na agad sila ng reaksyon para sa ‘local transmission’.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinang-ayunan na ng Department of Health (DOH) ang opinyon ng ekspertong si Dr. Rontgene Solante na posibleng mayroon nang ‘local transmission’ ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t kalat-kalat ang mga natuklasang Delta variant cases, nagpatupad na agad sila ng reaksyon para sa ‘local transmission’.

Sa kabila ng mga pa-ngamba na hindi makakayanan ng ‘health system’ ng Pilipinas ang panibagong surge kagaya ng nangyayari sa Indonesia, tiniyak ng DOH na ginagawa nila ang lahat ng paraan para maiwasan ito at inihahanda ang lahat ng pagamutan sa posibilidad na pagkalat ng variant.

Kailangan umanong magtulungan ang nasyunal at lokal na pamahalaan para mapalakas ang healthcare system. Ito ay sa pamamagitan ng pagtiyak na sapat ang COVID-19 beds, ICU at TTMF bed capacity, gamot at oxygen tanks at mga healthcare workers.
Kailangan rin ng pagtulong ngpubliko sa simpleng paraan ng pag-praktis sa ‘minimum public health standard’ at boluntaryong pagpapabakuna.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with