^

Bansa

‘Early campaigning’, dapat idulog sa Comelec

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas makabubuting idulog na lamang sa Commission on Election (Comelec) ang mga punang maagang pangangampanya ng ilang pulitiko.

Ito ang payo ni political analyst na si Mon Casiple kasabay nang pagsasabing walang mangyayari kung puro pasaring at pagpuna lamang.

Reaksiyon ito ni Casiple sa naunang pagpuna ni Manila Mayor Isko Moreno at ilang partylist laban kay Davao City Mayor Sara Duterte sa ginagawa nitong pag-iikot sa mga lalawigan na sinasabing maagang pangangampanya ng presidential daughter.

Ayon kay Casiple, madaling makalulusot sa alegasyong early campaigning lalo at election season na. Payo nito, kung nais na mapigilan ang ganitong isyu ay mainam na maghain ng reklamo sa Comelec upang ito ay maaksyunan.

“Kung walang gagawin at walang reklamo sa Comelec o sa DILG masasabi nating wala ring silbi ang ganitong mga pagpuna”, paliwanag ni Casiple.

Si Mayor Sara ay nakatanggap ng mga pagbabatikos dahil sa timing ng kanyang pagbisita kamakailan sa Cebu at Zamboanga City gayundin ang pakikipagpulong niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kabila ng nangunguna pa rin ang Davao City sa mga lalawigan sa labas ng National Capital Region (NCR) na may mataas na COVID 19 cases.

Nagbigay naman ng payo si Casiple sa mga nag -iikot na pulitiko na sila ang magtiyak na kanilang sinusunud ang itinatakdang health protocols para na rin sa kaligtasan ng mga botante.

Kasunod ito ng lumabas na report na nahirapan si Mayor Sara na lumabas matapos ang kanyang na­ging pagpupulong kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco dahil sa rami ng tao na naghihintay sa kanya na nagnanais na magpalitrato kasama ito.

“May guidelines ang IATF sa pagconduct ng campaign, madaling sabihin na sinusunud ito kaya ang concern ng lahat ay ang mga pulitiko ang siyang dumistransya, malaki ang roles ng mga pulitiko para hindi kumalat pa ang COVID sa panahon ng eleksyon”pahayag ni Casiple.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with