^

Bansa

PDP-Laban meeting ng Pacquiao camp sa Sept. ‘ilegal’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilegal umano ang ga­gawing national council mee­ting sa Setyembre ng kampo ng pinatalsik na PDP-Laban president Sen. Manny Pacquiao.

“Ilegal po ‘yun, ‘yun po ang ilegal sapagkat malinaw po sa aming kons­titusyon na ang maaari la­mang magpatawag ng national council meeting ay ang chairman ng partido, who is President Duterte, in coordination with the party president,” ayon kay Atty. Melvin Matibag, Secretary General ng kampo ni PDP-Laban president Alfonso Cusi.

Subalit sagot ni Sen. Koko Pimentel, bakit nga­yon ay kailangan na nilang makipag-coordinate sa chairman ng presidente na si Cusi subalit noong panahon ni Pacquiao ay hindi umano ito ginawa ng kampo nila Matibag.

Inihalal ng PDP-Laban si Cusi bilang kapalit ni Pacquiao sa ginanap na national assembly noong Sabado.

“So ngayon po, kung magkakaroon kami ng national council meeting, ang magpapatawag po ay si Pangulong [Rodrigo] Duterte at makikipag-coordinate po kay Secretary Alfonso Cusi,” sabi ni Matibag.

Sa kabila, nito nilinaw ni Matibag na miyembro pa rin ng partido sina Pacquiao at Pimentel.

 

vuukle comment

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with