^

Bansa

Pacquiao ‘welcome’ na presidential bet sa 1Sambayan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao �welcome� na presidential bet sa 1Sambayan
Sinabi ni Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition na kung mayroong mga kaibigan si Sen. Manny Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan ay welcome ito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Posibleng maging presidential candidate sa 2022 elections ng 1Sambayan si Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition na kung mayroong mga kaibigan si Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan ay welcome ito.

Kung may mag-no­minate man sa senador ay tatanungin siya kung handa siya na sumailalim sa selection process ng 1Sambayan at kung pumayag si Pacquiao ay saka siya iinterbyuhin at sasailalim sa scree­ning ayon sa criteria ng kanilang grupo.

Nauna nang sinarado ng grupo ang kanilang pintuan sa posibilidad na maging nominado ang mambabatas sa pagka-presidente o bise Presidente.

Matatandaan na ma­ging si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ay nagsabi na kulang si Pacquiao sa kakayahan dahil sa palagi itong absent sa kongreso at hindi maaaring ikonsidera para sa 2022 national elections dahil kaalyado rin siya ng administrasyong Duterte.

Subalit nagbago ang tono ng opposition coalition matapos na kontrahin ni Pacquiao si Duterte habang ma­lakas naman ang ugong na patatalsikin sa ruling party na PDP-Laban ang senador.

 

Related video:

vuukle comment

1SAMBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with