Pacquiao, Isko nanguna sa senatoriables – SWS
MANILA, Philippines — Inokupa nina Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang dalawang puwesto sa pagkasenador sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nakakuha si Pac-quiao ng 48% habang 47% si Domagoso sa survey na ginawa mula Hunyo 12-15.
Ikatlo ang broadcaster na si Erwin Tulfo (45%), dating Senador Bongbong Marcos (42%), Sorsogon Governor at dating Senador Chiz Escudero (41%).
Kasunod si Antique Rep. at dating Senador Loren Legarda (39%), Sen.Juan Miguel Zubiri (37%) at Sen. Ping Lacson (33%).
Pasok din sa Magic 12 sina Jinggoy Estrada (31%) habang tabla sa 10-11 posisyon sina Senador Francis ‘Kiko” Pangilinan at Dr. Willie Ong na may 29%. Pang-12 si Sen. Win Gatchalian (27%).
- Latest