^

Bansa

Duterte: Manalo na mga kritiko sa 2022, 'wag lang patakbuhing presidente si Sara

James Relativo - Philstar.com
Duterte: Manalo na mga kritiko sa 2022, 'wag lang patakbuhing presidente si Sara
Kita sa larawan sina Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio
Karl Norman Alonzo/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Kaysa ma-expose sa "bastos" na pamumulitika, mas okey na raw na manalo sa eleksyong 2022 ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte — 'wag lang tumakbo sa pagkapresidente ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Lunes ng gabi nang idiin ito ni Duterte sa kanyang "Talk to the People Address," habang inuulit ang dati nang panawagang 'wag patakbuhin ang kanyang anak para humalili sa maiiwang pwesto.

"My stand is I am against really the candidacy of my daughter [Sara]. I want her spared from the itong the vagaries of politics dito sa Pilipinas, lalo na itong mga personalities around in the likes of Trillanes, si De Lima, o — walang ginawa kung hindi mag-atake ng kapwa tao nila," ani Digong kagabi.

"So I would rather na kung sila-sila na lang ang patakbuhin at sila’y manalo [Trillanes, De Lima], nagdadasal ako niyan at makita nila kung papaano nila patakbuhin ang gobyerno, kung gaano kahirap. Tapos after all your — iyong pagod mo, walang katapusan ang batikos because they can never be satisfied. They can no longer be a — ika nga appease by anything except that they are hungry also for power."

Aniya, mas maganda nang makatikim ng panalo ang oposisyon sa 2022 para magkaalaman na paano sila tumangan ng tungkulin sa gobyerno.

Kasalukuyang inaakusahan ni dating Sen. Antonio Trillanves IV ng P6.6 bilyong plunder case si Digong kasama ang dating aide ni Duterte na si Sen. Bong Go matapos daw nila gamitin ang kanilang impluwensya para makalikom ng government infrastructure projects.

Kahit nakakulong pa rin dahil sa kaso kaugnay ng iligal na droga, patuloy namang kinakastigo ni Sen. Leila de Lima si Duterte dahil sa mga isyu ng human rights violations, pagiging "sunud-sunuran" sa Tsina, atbp.

Wala pa mang pinal na desisyon, sinabi ni Sara noong Biyernes na "bukas" siya sa ideya ng pagtakbo sa pagkapresidente sa susunod na taon. Kung nagkataon, makakaharap niya ang mga kandidato ng opposition coalition na 1Sambayan, kung saan kinukunsidera sina Bise Presidente Leni Robredo at Trillanes bilang pambato.

Duterte kay Sara: 'Wag ngayon, sa ibang panahon

Ayon pa kay Digong, wala namang masama kung gugustuhin ni Sara maging presidente sa hinaharap: 'wag lang daw sana ngayon.

"Run at some other time, huwag ngayon kasi wala kang maano dito, mabastos ka lang. It’s not good for a — a woman to be, you know, being — brazen niyong masyadong mga salita at masaktan lang. So as a father, I would not want that to happen to my daughter," dagdag niya.

"Ako naman ‘yung vice president ko pantakot lang sa kanila ‘yan. But sabi ko, let us see if it is — kaya ako, if it is good for the country, I will do it. If it does not contribute anything to our Republic, then huwag na lang."

Una nang hinihikayat ng PDP-Laban si Duterte na tumakbo sa pagkabise presidente sa 2022, lalo na't bawal ang re-election ng pangulo sa 1987 Constitution. Ngayong natsi-tsismis na tatakbo si Sara sa posisyon, usap-usapan ngayon kung pipiliin ni Duterte gawing running-mate ang anak lalo na't siya raw ang papipiliin ng PDP-Laban sa makakatambal na standard-bearer.

Hindi man kapartido ni Duterte si Sara, na merong sariling partidong Hugpong ng Pagbabago, nasabi na noon ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi imposible maging running-mates ang dalawa.

Dati nang umamin si Roque na suportado niya ang "Run, Sara, Run Movement" para sa 2022.

vuukle comment

1SAMBAYAN

2022 NATIONAL ELECTIONS

ANTONIO TRILLANES IV

LEILA DE LIMA

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with