^

Bansa

Lifetime validity passport ng senior citizens ibabasura na ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lifetime validity passport ng senior citizens ibabasura na ng Senado
Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Executive Director Maria Alnie Gamble ng DFA Office of Consular Affairs, malamang na hindi tanggapin sa ibang bansa ang pasaporte na may lifetime validity dahil labag ito sa standard of recommended practices ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Ibabasura na ng Senate Committee on Foreign Relations ang panukalang magbibigay ng habambuhay na pasaporte sa mga senior citizens.

Sinabi ni Sen. Koko Pimentel, chairman ng komite na mabuting huwag na lamang ipursige ang panukala ni Sen. Lito Lapid dahil base sa paliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi ito makakabuti sa mga senior citizens.

Sa halip ay magiging dahilan pa ito ng abala at aberya sa kanilang mga biyahe.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Executive Director Maria Alnie Gamble ng DFA Office of Consular Affairs, malamang na hindi tanggapin sa ibang bansa ang pasaporte na may lifetime validity dahil labag ito sa standard of recommended practices ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Sa abiso ng ICAO, dapat hanggang 10 taon lang ang validity ng passport dahil dapat ikonsidera ang pagbabago ng itsura ng isang tao.

Ayon pa kay Gamble, baka pagdudahan pa ang isang senior citizen kung iba ang itsura sa ID kaysa sa aktwal nilang physical appearance.

Sinubukan umano sa Spain ang lifetime validity ng pasaporte subalit ibinalik din ito sa 10-taon dahil sa problema sa mga boarders.

Sa ngayon ay wala pa kahit isang bansa ang lampas sa 10 taon ang bisa ng pasaporte.

vuukle comment

PASSPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with