^

Bansa

‘Worst case scenario’ sa Taal pinaghahandaan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Worst case scenario� sa Taal pinaghahandaan
Ito ang tinitingnang “worst case scenario” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos ang magkakasunod na maliliit na pagputok na naitala sa bulkang Taal.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Aabot sa kalahating milyong residente ang kailangan na ilikas sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.

Ito ang tinitingnang “worst case scenario” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos ang magkakasunod na maliliit na pagputok na naitala sa bulkan.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, pinahahandaan nila ang violent eruption na posibleng makaapekto sa mga residente.

Sinabi nito na sakaling itaas ang Alert Level 4 sa bulkan, mapipilitan silang ilikas ang mga nakatira sa loob ng 14-kilometer danger zone.

Dagdag din sa hamon sa mga awtoridad ang paglilikas ng maraming residente kasabay ng pandemya kaya ikakalat ang mga evacuee sa iba’t ibang probinsiya ng Calabarzon region.

Bunsod nito, sinabi ni Jalad na muli silang mangangailangan ng mas maraming evacuation centers kabilang na ang mga eskuwelahan. Maging ang mga hindi pa natitirahang mga bahay ng National Housing Authority (NHA) ay kanila na ring inihahanda.

Sa monitoring ng Phivolcs, patuloy ang pag-alboroto ng Taal mula nang itaas ito sa Alert Level 3 noong Hulyo 1.

Naitala ang panibagong pagputok nitong alas-7 ng umaga ng Huwebes, na lumikha ng 200 metrong taas na usok.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ang bulkan ng 60 volcanic quakes kasama na ang 5 explosion-type quakes, 24 low frequency vquakes, 21 tremor events, 10 hybrid earthquakes, at low-level background terror.

Umaabot naman sa 11,397 tonelada ng asupre ang nailuluwa ng bulkan sa isang araw.

Samantala, para naman matugunan ang hi­­naing ng mga mangi­ngisda, sinabi ni Office of Civil Defense-Calabarzon OCD-Calabarzon Director Ma. Theresa Escol na pumayag na ang Protected Area Management Board na magkaroon ng window hour mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Sa window hours, maaaring bumalik ang mga lumikas na mangi­ngisda para magpakain ng isda. Pero kailangan nilang umalis agad at bumalik sa evacuation center. — Angie Dela Cruz

 

Related video:

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with