^

Bansa

3 milyong single-dose vaccine idinonate ng Amerika

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
3 milyong single-dose vaccine idinonate ng Amerika
“Inaasahan din natin iyong donasyon ng Amerika, mayroon din tayong mga 3 million na Johnson & Johnson na single dosage po iyan. So that is good for 3 million individuals na wala na pong second dose,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.
AFP/Justin Tallis

MANILA, Philippines — Tatlong milyong single-dose na bakuna ng Johnson & Johnson ang inaasahang ta-tanggapin ng Pilipinas mula sa Amerika.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang bakunang darating ay para sa 3 milyong indibiduwal dahil wala na itong second dose.

“Inaasahan din natin iyong donasyon ng Amerika, mayroon din tayong mga 3 million na Johnson & Johnson na single dosage po iyan. So that is good for 3 million individuals na wala na pong second dose,” ani Roque.

Tiniyak anya sa kanya ng Amerika na darating ang bakuna bagaman at walang eksaktong petsa.

Dumaan din aniya sa COVAX facility ang bakuna dahil founder din nito ang Amerika.

Sabi pa ni Roque mismong taga US Embassy ang nagparating sa kanya ng impormas­yon sa selebrasyon na ginawa noong Hulyo 1.

Samantala, idinagdag din ni Roque na ngayong Hulyo magsisimulang dumating ang 14 milyong doses ng bakuna na inorder sa Pfizer.

Bukod pa aniya ito sa tiyak na darating ngayong araw na 1.1 milyon doses ng AstraZeneca na donasyon naman ng Japan at 170,000 doses na Gamaleya Sputnik V.

vuukle comment

COVAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with