^

Bansa

DNA ikinasa sa mga nasawing sundalo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
DNA ikinasa sa mga nasawing sundalo
Ayon kay AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana, malaking hamon sa kanila ito dahil karamihan sa mga nasawi ay ‘beyond recognition’. Kumikilos na ang kanilang forensic experts gamit ang dental records ng mga sundalo. Pito sa 49 sundalo ang nakilala na.
AFP/Nickee Butlangan

MANILA, Philippines — Isinasailalim ngayon sa DNA test ang labi ng 50 sundalong namatay sa pagsabog ng C-130 upang  makilala at maibi­gay sa kani-kanilang mga pamilya sa lalong madaling panahon habang natagpuan na ang  black box na makapagbibigay ng linaw sa dahilan ng pagbagsak noong Linggo sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu.

Ayon kay AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana, malaking hamon sa kanila ito dahil karamihan sa mga nasawi ay ‘beyond recognition’. Kumikilos na ang kanilang forensic experts gamit ang dental records ng mga sundalo. Pito sa 49 sundalo ang nakilala na.

Ani Sobejana, kamakalawa ay binawian din ng  buhay ang isa pang sundalo na naka-confine sa  West Metro Medical Center sa Zamboanga City kaya umakyat sa 50 ang death toll at 46 ang naka-confine.

Posibleng ilipat sa ibang ospital ang mga nasa critical condition. Titiyakin nila ang medical attention sa sugatan upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Kaugnay nito, sinabi ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan na narekober na ang black box o ang flight data recorder ng C130.

Sinusuri at pinakikinggan na aniya ng mga imbestigador ang black box para malaman kung ano ang naging huling pag-uusap ng mga piloto at mga crew bago ang aksidente.

Una nang sinabi ni AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo na bihasa o highly competent ang kanilang mga piloto at nasa maayos na kondisyon ang C130. Sa katunayan may natitira pang 11,000 flying hours bago sumalang sa panibagong maintenance check-up ang naturang military plane.

Ang bumagsak na C130 aircraft ay refurbished aircraft na binili ng Pilipinas sa Amerika sa pamamagitan ng US military assistance grant.

Sa ngayon sinabi ni Arevalo na walang nakikitang foul play o sinadyang pabagsakin ang C130 cargo plane. Aniya, sakto lang ang bilis ng aircraft sa pag-landing ngunit hindi nila alam ang sanhi bakit na-miss nito ang runway.

Kasama ring susuriin ang runway, klima, kagamitan at kaalaman ng mga piloto. Titingnan din ang espekulasyon na overloading.

Sinasabing tatlong ulit itong nag-bounce hanggang sa piliting tumaas pero sumabit ang pakpak sa mga puno hanggang sa bumagsak at sumabog. Ilan din sa mga sundalo ang sinasabing tumalon mula sa C130.

vuukle comment

DNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with