^

Bansa

2nd dose ng bakuna iprayoridad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2nd dose ng bakuna iprayoridad
Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na masyadong malayo ang pigura ng 2.8 milyong fully vaccinated na kumpara sa 11 mil­yong doses na naiturok na sa taumbayan.
AFP/Ted Aljibe

Galvez sa LGUs

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ang mga lokal na pamahalaan na ilaan ang mga nalalabing bakuna para sa second dose habang hindi pa dumarating ang mga bagong suplay.

Sinabi ni Galvez na masyadong malayo ang pigura ng 2.8 milyong fully vaccinated na kumpara sa 11 mil­yong doses na naiturok na sa taumbayan.  Kailangan umanong maremedyuhan ito ng mga lokal na pamahalaan dahil mas importante ang ikalawang dose para ganap ang proteksyon ng tao.

Sa Advisory 62 ng National Vaccination Operations Center (NVOC), pinasabihan ang mga LGU na magkakaroon ng delay sa pagdating ng mga bagong suplay ng Sputnik V vaccines at ang lingguhang delivery ng Sinovac.

Nagpasabi na umano ang Sinovac Biotech na dara­ting ang 2.5 milyong doses ng bakuna sa ikatlong linggo ng Hulyo. Inaasahan na 6 milyong doses ng Sinovac ang madi-deliber ngayong buwan.

Ang iba pang bakuna na nakatakdang dumating sa Hulyo ay 170,000 Sputnik V; 250,000 Moderna; at 1,170,000 AstraZeneca.

Pinatututukan sa pagpapataas ng second dose vaccination ang National Capital Region (NCR), Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.

vuukle comment

NTF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with