^

Bansa

Paglipat sa 2 operatiba ng CAIDTF sa NAIA ‘di personal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ni DHL Customs Assessment Unit-NAIA Chief Ronald Moreno na walang personalan sa ginawang paglilipat sa dalawang operatiba ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF).

Sinabi ni Moreno na kaisa siya nina BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero at NAIA District Collector Carmelita “Mimel” Talusan sa paglilinis sa kanilang hanay laban sa mga tiwaling kawani upag maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya tungo sa pagkakaroon ng makabagong Aduana at matatag na ekonomiya.

“Ang sigalot o galit ng dalawang operatiba ng CAIDTF sa pagkakatanggal sa kanila ay isang aksiyon na sa tingin ko ay naaayon sa pamantayan ng nakatataas at walang bahid ng malisya o personal na galit,” pahayag ni Moreno.

Nabatid na inilipat ang dalawang operatiba ng CAIDTF dahil sa sumbong at petisyon ng umano’y pang-aabuso nila sa kanilang tungkulin at reklamo na rin ng ibang tauhan ng BOC habang sila ay nakatalaga sa DHL Customs Assessment Composite Unit sa NAIA.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang ginagawang pagbabago at paglilinis sa Bureau of Customs ng kasalukuyang commissioner laban sa mga tiwaling tauhan at kawani ng ahensiya dahil na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte.

Si Moreno ay may tatlong dekada nang naninilbihan sa BOC. Siya ay hinahangaan ng mga kasama at tauhan sa BOC dahil sa pagiging epektibo at mga natanggap niyang award at parangal hindi lang sa tuluy-tuloy na pag-abot ng assigned collection target ng kanyang tanggapan kundi sa pagpapabuti ng sistema ng kalakalan sa simpleng paraan na hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng mamamayan laban sa mga ilegal na importasyon.

 

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with