^

Bansa

Taal evacuees nangangamba sa hawaan ng COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Taal evacuees nangangamba sa hawaan ng COVID-19
Kasunod ito ng isinagawang paglikas ng Batangas LGU sa mga residente na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.
AFP/Ed Jones

MANILA, Philippines — Tila hindi na alam ng mga evacuees kung takot sa pagsabog ng bulkang Taal o hawaan dulot ng COVID-19 ang kanilang mararamdaman.

Kasunod ito ng isinagawang paglikas ng Batangas LGU sa mga residente na naapektuhan ng  pagsabog ng  bulkan.

Ang bayan ng Agoncillo at Laurel ang unang  nirespondehan ng mga awtoridad sa pag-aalburoto ng  Taal.

Subalit ayon sa mga evacuees, siksikan din sila sa evacuation center kaya natatakot sila na magkahawaan ng CoVID. Hindi kasi nila alam kung sino ang posibleng positive sa virus dahil dagsa na rin ang mga inililikas.

“Nakalayo nga kami sa bulkan kakaba-kaba naman kami baka madale ng CoViD-19,” anang evacuees.

Tanging mga face mask lamang ang panlaban nila lanan sa  asupreng dulot ng Taal at ng CoViD.

Ayon kay Laurel, Batangas Mayor Joan Amo, lahat ng evacuation center ay may isolation facility upang agad na mamonitor ang mga may lagnat at maihiwalay sa mga walang sakit.

Hindi na rin pinapapasok ang mga hindi eva­cuees upang maiwasan ang hawaan.

vuukle comment

COVID-19

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with