^

Bansa

Bagong ‘Delta Plus’ variant binabantayan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bagong �Delta Plus� variant binabantayan
Ito’y matapos idek­lara ng pamahalaan sa India na ‘variant of concern’ ang bagong uri ng Delta COVID-19 variant makaraang halos dalawang dosena na ang dinadapuan nito sa bansa.
AFP/Anthony Wallace

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa mas mapanganib at madaling makahawa na Delta variant, sinabi ng Department of Health na patuloy naman ang pag-aaral sa sinasabing bagong variant na “Delta Plus” mula India.

Ito’y matapos idek­lara ng pamahalaan sa India na ‘variant of concern’ ang bagong uri ng Delta COVID-19 variant makaraang halos dalawang dosena na ang dinadapuan nito sa bansa.

Tinukoy ang variant na AY.1 o lokal na tinatawag na Delta Plus at unang natukoy sa Europa, ayon sa India health ministry.

May 22 kaso na nito sa India at natukoy sa mga estado ng Maharashtra, Kerala at Ma-dhya Pradesh.

Pinayuhan na ang tatlong estado na pala­kasin pa ang kanilang testing sa populasyon para matukoy kung ga-ano kakalat ang virus.

Ayon sa Indian SARS-CoV-2 Genomic Consortia (INSACOG), may tatlong katangian ang bagong variant.

Una, mas mabilis itong maihawa; ikalawa, bumabalot ito sa mga cells ng baga; at ikatlo, may posibilidad na makakaiwas ito sa antibody ng tao.

Nabatid na nabuo   ang Delta Plus variant dahil sa mutation ng orihinal na Delta strain na unang natagpuan sa India at tinutukoy na dahilan ng matinding ‘second wave’ ng virus sa naturang bansa.

Kung hindi agad ma­aksyunan, pinanga-ngambahan na maaa-ring magdulot ng ikatlong wave ang naturang variant.

vuukle comment

DELTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with