^

Bansa

Ayaw magpabakuna ‘di aarestuhin – PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ayaw magpabakuna �di aarestuhin � PNP
Ito ang tiniyak ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa kabila ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin na ang sinumang hindi magpapabakuna laban sa COVID-19.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi aarestuhin ng Philippine National Police (PNP) ang mga taong ayaw magpabakuna.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa kabila ng  babala ni  Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin na ang sinumang hindi magpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Eleazar, nakipag-ugnayan na siya kay Justice Secretary Menardo Guevarra kung saan sinabi ng kalihim na walang batas na gagamiting batayan sa pag-aresto sa mga ayaw magpabakuna.

Gayunman, naniniwala si Eleazar na hindi na kailangang pilitin ang mga ayaw magpabakuna dahil marami na ang kumbinsido na makakatulong ang bakuna na panlaban sa COVID.

Kitang-kita umano ito sa haba ng pila sa halos lahat ng mga vaccination sites.

Kung mayroon mang nag-aalinlangan pa sa ngayon ay kailangan lang aniya silang kumbinsihin sa pamamagitan ng mas masugid pang information campaign.

Inihalimbawa ni Eleazar ang information drive ng PNP kung saan sa simula ay 51 porsyento lang ng kanilang mga tauhan ang pabor na magpabakuna, pero ngayon ay nasa 93 porsyento na.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with