Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay
MANILA, Philippines — Madi-delay ang pagdating sa bansa ng 50,000 doses ng SputnikV na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez, nakatanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na nagsasabing ipagpapaliban sa ibang araw ang delivery ng Sputnik V Component II dahil sa upgrading ng bakuna.
Sinabi ni Galvez na ang parating na 50,000 doses ay para sa mga nakatanggap ng Compo-nent 1 nitong Hunyo.
“We have already informed all local government units who have administered the first dose of Sputnik V to their constituents that the schedule for the second shot will likewise be pushed back and will be rescheduled,” ani Galvez.
Samantala, tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi maapektuhan ang bisa ng bakuna kahit pa ma-delay ang pagbibigay ng 2nd dose ng Sputnik V.
Anya, mas mataas pa nga ang efficacy kung matagal ang period ng unang dose sa ikalawang dose.
- Latest