Sara suportado ng Lakas sa 2022 presidential race
MANILA, Philippines — Susuportahan ng Lakas-CMD si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sakaling magdesisyon na itong kumandidato bilang Pangulo sa May 2022 national polls sa bansa.
Ito ang tiniyak ni House Majority Leader at 1stDistrict Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng itinakdang renewal ng alyansa ng Lakas-CMD sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Mayor Sara.
“If Mayor Sara Duterte decides to seek higher office for 2022, we are ready to work for her victory in the coming election,” pahayag ni Romualdez.
Sa ilalim ng kasunduan, sinabi ni Romualdez, presidente ng Lakas–CMD, susuportahan ng dalawang partido ang kanilang magiging kandidato sa presidential race.
Nagpulong ang Lakas-CMD at napagkasunduan na i-renew ang alyansa sa HNP upang higit pang maging matatag ang koalisyon na magpapatuloy ng polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest