^

Bansa

Utos ni Duterte na hulihin ang ayaw pabakuna naaayon sa Konstitusyon – Panelo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Utos ni Duterte na hulihin ang ayaw pabakuna naaayon sa Konstitusyon � Panelo
Ayon kay chief legal presidential counsel Salvador Panelo, layunin ng kautusan na iligtas ang buhay ng mga posibleng tamaan ng coronavirus.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nanindigan si chief legal presidential counsel Salvador Panelo na naaayon sa Konstitusyon ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Panelo, layunin ng kautusan na iligtas ang buhay ng mga posibleng tamaan ng coronavirus.

Kapag may state of national emergency dahil sa nakamamatay na pandemic maaaring gumawa ng “drastic measure” ang gobyerno na pinapayagan ng Konstitusyon.

Ipinunto rin niya na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang magkaroon ng herd immunity laban sa COVID-19.

May mga kumontra sa kautusan ni Duterte na arestuhin ang mga ayaw magpabakuna.

May mga nagsabi na dapat ay siyensa ang basehan sa pagsugpo sa virus at hindi pananakot.

Sabi naman ni Panelo, iginagalang ang karapatan ng mga tao na magdesisyon at mamili pero pangunahing trabaho ng gobyerno ang protektahan ang mga mamamayan na nakasaad sa Article II, Section 4 ng Konstitusyon.

Mali rin aniya ang mga nagsasabi na ang problema ay ang kakulangan sa bakuna dahil lumabas sa isang independent survey noong nakaraang buwan na 32% lamang ng mga adult Filipinos ang nais magpabakuna.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with