Face-to-face classes tinabla ni Duterte
MANILA, Philippines — Ayaw pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang face-to-face classes hangga’t hindi nagkakaroon ng herd immunity ang mga mamamayan laban sa COVID-19.
Sinabi ng Pangulo na papayagan lamang niya ang face-to-face classes kapag nabakunahan na ang lahat.“Dito sa face-to-face, I think I am not inclined to agree with you. I’m sorry but, mahirap, I cannot gamble on the health of the children,” ani Duterte kay DepEd Sec. Leonor Briones sa meeting ng Inter-Agency Task Force kamakalawa.
Nauna rito, ipinanukala ng DepEd ang pagdaraos ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.
Related video:
- Latest