^

Bansa

Digital ID ng bakunado target ng gobyerno

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Digital ID ng bakunado target ng gobyerno
Sa kasalukuyan ay nagbibigay ang mga local government units ng cards sa mga nabigyan na ng bakuna na nagsisilbi rin nilang records.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Target ng gobyerno na magkaroon ng digital ID ang mga kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mahalaga ang QR Code na ibibigay sa mga bakunado.

“What we want really is a QR code, digital...The digital vaccination ID card will be very important,” ani Nograles sa Headstart ng ANC.

Sa kasalukuyan ay nagbibigay ang mga local government units ng cards sa mga nabigyan na ng bakuna na nagsisilbi rin nilang records.

Nakalagay sa card ang impormasyon ng brand ng bakuna, ilang doses ang ibinigay at kailan at saan ito natanggap.

Sinabi rin ni Nograles na tinatalakay na nila kung ano ang mga benepisyong makukuha ng mga kumpleto na ang bakuna laban sa mga hindi pa rin nagpapabakuna.

Kabilang aniya sa isinusulong ang hindi na pagsasailalim sa RT-PCR tests sa tuwing pupunta sa mga tourists destinations.

Ayon pa kay Nograles, mino-monitor rin ng task force ang ibang bansa na mayroong vaccine passports.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with