Pinoys sa 7 bansa na kasali sa repatriation ‘di sakop ng travel ban - Palasyo
MANILA, Philippines — Sa kabila ng pinaiiral na travel ban, maaari pa rin makapasok ng PIlipinas ang mga Filipino mula sa India at anim pang bansa na bahagi ng repatriation program ng gobyerno at recruitment agencies.
Paglilinaw ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, na ang mga Filipino na sakop ng repatriation programs ng gobyerno at repatriation activities ng manning/recruitment agencies na dumaan sa Bureau of Quarantine ay maaaring makapasok ng bansa.
Subalit kailangan muna silang sumailalim sa testing at quarantine protocols.
Magugunita na pinalawig pa ng gobyerno hanggang katapusan ng Hunyo ang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.
Ito ay para mapigilan na makapasok sa Pilipinas ang Delta COVID-19 variant na unang na-detect sa India.
Ang Delta variant ng India ay klinasipika ng World Health Organization (WHO) bilang variant of global concern.
- Latest