^

Bansa

3 scenario sa SONA pinag-aaralan na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ang tatlong scenario para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo, ayon kay Senate President  Vicente “Tito” Sotto III.

Sabi ni Sotto, sa ngayon ay hinihintay pa ng Senado ang magiging abiso sa kanila ng Presidential Security Group (PSG) kung alin sa tatlong pinagpipi­lian options ang susundin.

Ang unang option aniya ay sundin kung ano ang ginawa noong nakaraang taon pero ang mga papupuntahin ay ’yung mga nabakunahan na laban sa COVID-19.

“Yung isang option ay ’yung katulad nung last year, number of Congressmen, malamang puro vaccinated lang. Tapos a number of senators, kasama ’yung secretariat at… siguro maximum sa Senate would be 30. Sa house baka 70. And then, speaker and myself. So ’yun ’yung scenario number 1. Pareho last year, nadagdagan lang ng number ng konti,” ani Sotto.

Ang ikalawa ay mananatili si Duterte sa Malacañang samantalang ang mga mambabatas ay nasa Batasan at virtual ang magiging SONA.

Ang ikatlong scenario ay virtual SONA rin kung saan nasa Malacañang si Duterte kasama sina Sotto at Speaker Lord Allan Velasco samantalang ang mga mambabatas ay nasa Batasan sa Quezon City.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with