^

Bansa

Swab test sa fully-vaccinated Pinoy na papasok ng bansa, pinatatanggal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Swab test sa fully-vaccinated Pinoy na papasok ng bansa, pinatatanggal
Dumagsa ang mga residente na kabilang sa A1-A5 categories para magpabakuna ng kanilang unang dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Caloocan Central Elementary School kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Department of Health (DOH) na tanggalin na ang polisiya na isailalim sa COVID-19 swab test ang mga Filipino na papasok ng bansa kung nakakumpleto na sila ng bakuna sa abroad.

Ngunit nilinaw ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na hindi pa ito mai­patutupad dahil pag-aaralan pa naman ito ng mga opis­yal ng Inter-Agency Task Force (IATF) lalo na kung paano mabeberepika kung totoong kumpleto na ang isang biyahero ng kaniyang bakuna.

Sa unang binagong panuntunan para sa mga biyahero na nakakumpleto ng bakuna dito sa Pilipinas, kailangan na lamang sumailalim sa pitong araw na quarantine ang mga papasok muli sa bansa at hindi na kailangang sumailalim sa COVID-19 tests.

“Ganyan din po ang ating nirerekomenda for those vaccinated abroad na mga Pilipino na babalik dito pero hindi pa po natin ‘yan na naipa-finalize,” saad ni Vergeire.

Sinabi pa ng opisyal na base umano sa mga eksperto, kahit hindi isailalim sa tests ang isang biyahero basta naisailalim siya sa isolation ng sapat na araw ay magiging ligtas na ito.

Sa kabila ng mga bagong pagluluwag, tiniyak ng DOH na patuloy silang nagiging maingat sa pagtatanggal ng mga restriksyon sa mga fully vaccinated na indibidwal.

Sa kasalukuyan, nasa 1.8 milyong Pilipino pa lamang ang nakakakumpleto ng dalawang doses ng bakuna nitong Hunyo 14 na halos dalawang porsyento pa lamang ng populasyon ng bansa.

 

vuukle comment

SWAB TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with