^

Bansa

Botante makakaboto pa rin sa ‘COVID-19 hotspots’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Botante makakaboto pa rin sa �COVID-19 hotspots�
Ayon sa mga opisyal ng Comelec, gagawin nila ang lahat ng paraan para hindi magkaroon ng ‘failure of elections‘ sa mga lugar na naka-lockdown dulot ng mataas na kaso ng COVID-19.
The STAR/Andy Zapata Jr., file

MANILA, Philippines — Makakaboto pa rin ang mga botante sa mga lugar na tinaguriang COVID-19 hotspots o nakapagtala ng mataas na bilang ng mga taong na-infect ng virus at isinailalim sa lockdown.

Ito ang tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) sa mga mambabatas sa pagharap ng mga opisyal nito sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform.

Ayon sa mga opisyal ng Comelec, gagawin nila ang lahat ng paraan para hindi magkaroon ng ‘failure of elections‘ sa mga lugar na naka-lockdown dulot ng mataas na kaso ng COVID-19.

Nakikipag-ugnayan ang Comelec sa Inter- Agency Task Force (IATF) kung paano makapagsasagawa pa rin ng botohan sa lockdown area, kung saan magpapatupad ng mas mahigpit na health safety protocols.

Gayunman, ayon sa poll body ay maaaring magsagawa ng special election sa ilang mga lugar.

Ayon naman kay Comelec Director for Ope­rations Teopisto Elnas, posibleng ipatupad din nila sa May 2022 national elections ang ginawang safety measures sa idinaos na plebesito sa Palawan noong Marso ng taong ito.

Kabilang dito ang pag-modify sa mga classroom na ginawang polling precinct, pagtatalaga ng qeue marshalls, at pagkakaroon ng isolation area sakaling may sintomas ng COVID ang botante.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with