^

Bansa

1 milyonh Sinovac naka-hold muna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
1 milyonh Sinovac naka-hold muna
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang hinihintay na dokumento ay ang certificate of analysis ng Sinovac para sa isang milyong doses ng bakuna na dumating sa bansa noong nakaraang linggo.
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Hindi muna ipamamahagi ng pamahalaan ang may isang milyong doses ng Sinovac COVID-vaccines habang hinihintay ang karagdagang dokumento buhat sa manufacturer nito.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang hinihintay na dokumento ay ang certificate of analysis ng Sinovac para sa isang milyong doses ng bakuna na dumating sa bansa noong nakaraang linggo.

Hindi umano nila maaaring ipamahagi o ibiyahe ang mga bakuna para sa mga recipients nito kung hindi kumpleto ng dokumento.

Matatandaang noong nakaraang buwan, naantala rin ang distribusyon ng Sinovac sa mga vaccination sites dahil sa kakulangan ng naturang certificate.

Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na ang deployment ng 2.2 milyong bagong deliber na Pfizer COVID-19 vaccines ay inaasikaso na nila.

Ayon kay Vergeire, ang 40% ng naturang bagong Pfizer shipment ay mapupunta sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, at Rizal, kung saan mataas ang mga kaso ng COVID-19.

Ang natitira pa namang 60% ay ide-deploy naman sa iba pang mga lugar na nakakapagtala rin ng mataas na bilang ng impeksiyon.

 

vuukle comment

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with