^

Bansa

Yosi, vape sa public transpo giit i-ban

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan sa gobyerno ang health advocate group na seryosohin ang pagbabawal sa paninigarilyo at paggamit ng vape at alisin na ang smoking areas sa lahat ng public transport areas kung saan nagtitipon ang mga tao.

Sinabi ni Atty. Benedict Nisperos, legal consultant ng Health Justice Philippines, mahigpit dapat na ipatupad ng concerned government agencies ang mga patakarang ito sa mga bus, taxi, train, airports at mga pantalan.

“Sinabi po ng World Health Organizations, Department of Health at ng mas nakararaming eksperto at syentipiko na “There is no safe level of exposure to tobacco smoke.” Kaya naman ang pangunahin po nating isi­pin ay ang ating kalusugan at paggawa ng paraan na maiwas sa masamang epekto ng mga produktong tabako. Kasama na riyan ang sigarilyo, vape at heated tobacco products,” ani Niperos.

Nakakaalarma umano ang 20 milyon katao na lantad sa usok ng sigarilyo sa mga public transportation sa bansa.

“This is a huge number. If we are going to look at it, we should be very concerned. They may be exposed to secondhand and thirdhand smoke,” aniya pa.

Kabilang pa sa pana­wagan ng grupo ang pagtatanggal ng Designated Smoking Areas sa mga terminals, public vehicles, lalo na sa indoor DSAs.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with