^

Bansa

Buwis sa private schools ‘di tataas sa 1% - Salceda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Buwis sa private schools �di tataas sa 1% - Salceda
Ito ang tiniyak ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means matapos lumikha ng mainit na usapin ang bagong “Revenue Regulations Series of 2021” ng BIR na nagtaas sa buwis ng mga private schools base sa 2018 desisyon ng Korte Suprema.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Hindi tataas sa 1% o mababa lamang ang ipapataw na buwis para sa mga pribadong paaralan na kumikita sa ilalim ng bagong batas na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na ipatutupad simula sa Hulyo 1, 2021 hanggang sa taong 2023.

Ito ang tiniyak ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means matapos lumikha ng mainit na usapin ang bagong “Revenue Regulations Series of 2021” ng BIR na nagtaas sa buwis ng mga private schools base sa 2018 desisyon ng Korte Suprema.

Sa ilalim ng CREATE Act, agarang ibinaba sa 25% mula 30% ang buwis ng mga korporasyon, at patuloy itong ibababa pa sa 20% sa 2030. Binawasan din nito sa 1% ang buwis sa mga pribadong paaralan. Gayunman, sa ilalim ng BIR RR S.2921 ‘guidelines,’ tinataasan ang buwis ng naturang mga paaralan bagay na inalmahan ng ‘Coordina­ting Council of Private Educational Associations of the Philippines’ (COCOPEA), ang samahan ng mga pribadong paaralan sa bansa.

Agad namang naki­pagpulong si Salceda sa mga matataas na opisyal ng BIR at Department of Finance (DOF) matapos na iparating sa kaniya ng COCOPEA ang kanilang karaingan at hingin ang kaniyang tulong upang maisaayos ang isyu.

Matapos ang pulong ay napagkasunduan na 1% lamang ang buwis na babayaran ng mga pribadong paaralan hanggang 2023 ayon sa napagkasunduan nila.

vuukle comment

CREATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with