^

Bansa

Polio sa Pinas, natuldukan na - WHO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Polio sa Pinas, natuldukan na - WHO
Sa isang virtual press briefing ng Department of Health, WHO, UNICEF nitong Biyernes, sinabi ni WHO PH Rep. Dr. Rabindra Abeya­singhe na aabot sa 30 milyong doses ng oral polio vaccines na ang na-administer sa bansa.
AFP/File

MANILA, Philippines — Natuldukan na umano ng Pilipinas ang ‘polio outbreak’ dahil sa mga ipinatupad na iba’t ibang aksyon ng pamahalaan kabilang na ang ‘anti-polio vaccination’, ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa isang virtual press briefing ng Department of Health (DOH), WHO, UNICEF nitong Biyernes, sinabi ni WHO PH Rep. Dr. Rabindra Abeya­singhe na aabot sa 30 milyong doses ng oral polio vaccines na ang na-administer sa bansa.

Ito ang pinakamala­king logistical effort para sa polio sa ating bansa kung saan 11 milyon na mga bata ang nabakunahan sa 13 vaccination rounds.

Pinuri rin ng WHO ang polio vaccination sa Pilipinas, na nagtuluy-tuloy lang kahit pa naharap sa mga hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa WHO, ang Pilipinas ay naging inspirasyon sa buong mundo pagdating sa mga hakbang at pagsusumikap laban sa polio.

Malugod ding binati ng UNICEF ang Pilipinas partikular ang DOH na nanguna sa pagtugon at pagtiyak na matatapos ang polio outbreak sa Pilipinas.

Malaki rin anila ang ambag ng health care at mga community worker, mga ahensya at mga partner na nagtulung-tulong para maprotektahan ang mga kabataan laban sa polio.

Matatandaan na ang polio outbreak sa Pilipinas ay naunang inanunsyo ng DOH noong September 2019.

vuukle comment

DOH

POLIO

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with