^

Bansa

Kabuhayan Loan ng BDONB, katulong sa pag-asenso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinagawa ng BDO Network Bank (BDONB) kamakailan ang kanilang Go Negosyo talk show na pinamagatang “Kayang-kaya Kabayan”.

Layunin ng talk show na magbahagi ng financial management tips at valuable insights pagda­ting sa mga sustainable at adaptable business opportunities hindi lamang para sa mga local Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), kundi pati na rin sa mga Overseas Filipino Wor­kers OF’s at kanilang mga be­neficiaries.

Pinangunahan ni SME Advocate Josie Conlu ang talakayan tungkol iba’t ibang financial challenges na kinakaharap ng ating mga OF’s abroad. Nagbahagi rin siya ng mga opportunities na maaari nilang subukan pagkatapos nitong pandemya.

Naroon din si Randell Tiongson, isang registered financial planner and advocate ng Life & Personal Finance, na nagbahagi ng preparedness at adaptability tips kung paano i-manage ang income at kung papaano mag-impok para sa emergency funds.

“Ang pag-unlad ng Pilipinas ay nakasalalay sa pagsulong ng mga MSMEs. Sa paglago ng mga MSMEs, gaganda ang kinabukasan nila at ng kanilang pamilya. Dahil dito, tinatawag na “growth engine” ng ekonomiya ang mga MSMEs,” ani BDONB Senior Vice President and MSME Group Head Karen Cua.

Bilang isang trusted partner ng mga MSMEs sa business growth at sustainability, handog ng BDONB ang Kabuhayan Loan upang mabigyan ang mga MSMEs ng access sa additional capital at investment para sa kanilang stocks, sa pag-expand at pagpapalago ng kanilang negosyo.at sa pagbili ng mga business assets gaya ng delivery trucks at iba pang kailangang equipment.

Ang Kabuhayan Loan ay mayroong mabilis at simpleng application process para sa pagpapa-utang sa mga negos­yante ng mula P30,000 hanggang P1,000,000 na hindi nangangailangan ng collateral. May installment options ito na 12 months hanggang 24 months, depende sa kakayahan ng isang borrower magbayad. Meron din itong kaakibat na Credit Life Insurance na nagsisilbing proteksyon ng pamilya laban sa financial burden.

vuukle comment

BDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with