^

Bansa

Duterte wala pang pinal na desisyon sa pagka-VP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte wala pang pinal na desisyon sa pagka-VP
Nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang sinabi lang ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay ayaw niyang tumakbo subalit wala rin naman siyang sinasabi na hindi siya tatakbo sa naturang posisyon.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo, File

MANILA, Philippines — Wala pa umanong pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbo o hindi sa pagka-Bise Presidente sa 2022 elections.

Nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang sinabi lang ng Pa­ngulo ay ayaw niyang tumakbo subalit wala rin naman siyang sinasabi na hindi siya tatakbo sa naturang posisyon.

Magugunita na sinabi ni Roque na walang nakikitang masama ang Malakanyang sa posibilidad na pagtakbo ng Pangulo sa pagka-bise presidente sa 2022 lalo pa at wala namang nakasaad sa Saligang Batas na bawal ito.

Kasunod ito ng paha­yag ni dating Comelec chairman Christian Monsod na ang tangkang kumbinsihin si Pangulong Duterte na tumakbo bilang ikalawang pangulo ay daan para dayain ang Saligang Batas.

Subalit iginiit ni Roque na walang makapipigil kay Pa­ngulong Duterte na tumakbo sa itinuturing na “second-highest government position” sa bansa kung nais niya.

Duterte wala pang pinal na desisyon sa pagka-VP

Gemma Garcia

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with