^

Bansa

3 magsasaka sa Masbate patay sa 'fake encounter'; Pulis, militar idiniin

Philstar.com
3 magsasaka sa Masbate patay sa 'fake encounter'; Pulis, militar idiniin
Satellite image ng Masbate City mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong magsasaka sa Masbate City matapos ang diumano'y engkwentro ng rebeldeng New People's Army, Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ilang araw matapos ang kontrobersyal na pagkapaslang sa FEU football player na si Keith Absalon sa parehong lungsod.

Ika-8 ng Hunyo nang mangyari ang insidente sa Sitio Porang, Brgy. Anas, Masbate City, bagay na pinaiimbestigahan ngayon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Bicol (KMP-Bicol) sa Commission on Human Rights.

Ayon sa KMP-Bicol, pinaulanan ng bala ng 2nd Infantry Battalion, 9th Infantry Division at PNP-Masbate ang baranggay Anas "para pagmukhaing may engkwentro sa NPA." 

Kasama sa tatlong magsasakang kinuha at napatay ay sina:

  • Tony Poligrates (taga-Villa Hermosa, Cawayan)
  • Boy Briones (taga-Brgy. Matiporon, Milagros)
  • isa pang hindi napapangalanang biktima

"The victims were reportedly picked up by armed men from their houses. After the firing and abduction incident, the police immediately peddled a fake story claiming that those killed were NPA fighters. The police further claimed that they were serving arrest warrants for the victims," ayon sa KMP.

"We strongly condemn these non-stop atrocities against farmers. Civilians and farmers have become easy targets of AFP soldiers and the PNP in their military operations against the NPA. Kapag hindi mahabol ng AFP ang NPA, ang mga magsasaka ang pinapatay saka pinapalabas na mga NPA."

Dadagdag ang tatlong magsasaka sa mahigit 300 nagbubungkal ng lupang napatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ngayon.

Kinukuha na ng Philstar.com ang panig ni PNP spokesperson PBGen. Ronnie Olay patungkol sa insidenteng isinisisi sa kanila ngunit hindi pa rin sumasagot hanggang sa ngayon.

Parusa ng PNP-AFP sa pagkamatay ni Absalon?

Kinundena rin ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang insidente para lang palabasin na mga kasapi sila ng NPA. Wika pa ng labor group, sinasamantala ng PNP at AFP ang pagkamatay nina Keith at Nolven para "itulak ang maruming gera kontra-magsasaka."

"Nagpataw lamang sila diumano ng hustisya sa insidente noong Hunyo 6 sa Brgy Anas na nagdulot ng pagkamatay ng magpinsang Absalon. Ito ba ang hustisyang alam ng AFP-PNP? Ang pumatay ng inosenteng magsasaka?" saad pa ng KMU.

"Sinasamantala ng AFP-PNP ang pag-ako ng responsibilidad ng CPP-NPA upang itulak ang maruming gera kontra-magsasaka nito. Gamit ang red-tagging na batay sa kanilang haka-haka, naglulunsad ang mga berdugo ng opensiba at pagpatay sa lahat ng magsasakang pinaghihinalaan nilang mga NPA."

Kanina lang nang hamunin ni AFP spokesperson Edgard Arevalo ang CPP-NPA ang isuko sa batas ang mga gerilyang nakapatay sa magpinsang Absalon dahil sa ilang "pagkakamali sa aksyong militar." Gayunpaman, sinabi ni Marco Valbuena, chief information officer ng CPP, sa Philstar.com na sakop ng istruktura ng NPA ang mga nabanggit kung kaya't sila raw ang dapat magpataw ng parusa sa kanila.

Sinasabing hindi bababa sa 21 masaker na ng magsasaka sa ilalim ni Duterte, kung saan tampok ang pagpaslang sa mga Tumandok at insidente ng "Bloody Sunday."

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE'S ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with