^

Bansa

Duterte binatikos, 'murder' ibinanta kasi vs ilang makahahawa ng COVID-19

Philstar.com
Duterte binatikos, 'murder' ibinanta kasi vs ilang makahahawa ng COVID-19
Namimili ang mga residenteng ito sa isang tindahan sa Maynila, ika-28 ng Marso, 2021 matapos ianunsyo ang mga ipatutupad na lockdowns
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Kinastigo ng isang grupo si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kontrobersyal na pahayag Lunes ng gabi patungkol sa mga makakapagpasa ng nakamamatay na COVID-19 sa gitna ng pandemya.

Sa huling regular Talk to the People Address kasi ng pangulo kagabi, binitawan ni Digong ang mga sumusunod na kataga:

"[K]ung alam niya po, pumunta siya sa isang lugar, alam niyang may sakit siya ng coronavirus at nakahawa siya at namatay... Papasok po ‘yan sa murder sapagkat intentional. Alam mo na ngang makakahawa ka, alam mo na ‘pagka nahawaan ka, lalo na ‘yong mga may sakit ng dati, mga comorbidity na tinatawag, ay talagang ‘yan ay sadyang pagpatay ang ginagawa mo at ika’y mananagot sa ating mga batas at kapangyarihan."

Idiniin din ni Duterte, isang abogado, na "pwedeng kasuhan naman ng homicide" ang mga hindi nakakaalam na meron silang COVID-19, lalo na kung maipapasa nila ito sa ibang tao na mamamatay. 

"Reckless imprudence resulting to serious physical injury" naman daw ang mairereklamo kung magdulot ng maselan na sugat o injury ang pagpapasa ng COVID-19 nang hindi nalalaman ng nakahawa.

Sa huling ulat ng Department of Health nitong Lunes, sumampa na sa halos 1.3 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, yumao na ang 21,969 katao.

'Murderer? Baka si Duterte'

Gayunpaman, idiniin ni Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis sa isang pahayag na kagagawan naman ng gobyerno ang pagkalat ng nakamamatay na virus simula't sapul.

"Bakit nyo kakasuhan at paparusahan ang taong nagkasakit dahil mabagal kayo at mali-mali ang prayoridad? Ang pagdami ng kaso ng infected at namatay sa Covid ay bunga ng kapalpakan at kapabayaan ng gobyernong Duterte sa pagtugon sa pandemya," ani Adonis, Martes.

"Pinahirapan nyo na ang mamamayan, gagawin nyo pang kriminal? Kung murder lang din ang usapin, ibig sabihin planado at sinadyang pagpatay, si Duterte ang No. 1 murderer!"

Dati nang sinasabi ng mga progresibong grupo na tila inuuna pa raw ng gobyerno ang red-tagging at pagpatay sa mga kritiko kaysa sa pag-apula ng COVID-19 pandemic.

Pwera pa 'yan sa mga napatay ng gobyerno sa ilalim ng madugong war on drugs. Sa huling datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency as of April 30, 2021, umabot na sa 6,117 ang napapaslang sa mga anti-drug operations.

Disyembre 2020 lang nang sabihin ng International Criminal Court na may "reasonable basis" para paniwalaang may crimes against humanity sa war on drugs ni Duterte, kung saan ilang inosente na ang nadamay. — James Relativo

vuukle comment

KILUSANG MAYO UNO

MURDER

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with