^

Bansa

1 milyong Sinovac; 2.2 milyong Pfizer darating sa Hunyo 10

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
1 milyong Sinovac; 2.2 milyong Pfizer darating sa Hunyo 10
Sa larawan na kuha noong Pebrero 23, 2021, ang mga vial ng bakuna ng CoronaVac, na binuo ng Sinovac firm ng Tsina,
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Inaasahan ang pagdagsa pa ng mga bakuna sa bansa sa pagdating ng isang milyon pang doses ng Sinovac at 2.2 milyong doses ng Pfizer vaccines sa Hunyo 10 para magtuluy-tuloy ang ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

Ito ay makaraan na dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang isang milyong suplay ng CoronaVac ng Sinovac na mula sa binili ng pamahalaan.

Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. magkakaroon na ngayon ng matatag na suplay ng bakuna sa pagdating ng dagdag na 1 milyong doses ng CoronaVac at 2.2 milyong doses ng Pfizer na mula sa COVAX.

Bukod sa mga ito, may inaasahan pang 2 mil­yong doses ng AstraZeneca sa loob ng darating na dalawang linggo at mula rin sa COVAX facility.

Sinabi naman ni Galvez na karamihan sa duma­ting na Sinovac ay ipapamahagi sa mga lalawigan na may mataas na kaso ng COVID-19 tulad ng Zamboanga at iba pang lugar sa Region 6.

Habang ang mga darating na bakuna ng Pfizer at Moderna ay ipapamahagi ang karamihan sa National Capital Region.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

PFIZER

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with