^

Bansa

Bakuna na gagamitin sa solidarity trial sa Pinas iaanunsiyo na ng WHO

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa susunod na dalawang Linggo ay iaanunsyo na ng World Health Organization(WHO) ang bagong COVID-19 vaccine na gagamitin para sa isasagawang solidarity trial sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng House Committee on Health sa pamumuno ni Commitetee Chairman Rep. Angelina Tan, nagbigay ng update ang project leader na si Dr. Jodor Lim ng UP-PGH.

Ayon kay Lim, bumuo na ng team na magiging in-charge sa vaccine trial na una ay gagawin sa National Capital Region.

“We are developing our standard procedures, and the WHO will release in about two weeks’ time the identity of the vaccine that we will use for the trial” paliwanag ni Lim kung saan ang ikalawang klase ng bakuna na gagamitin sa trial ay maaaring tukuyin ng WHO matapos naman ang isa o dalawang buwan.

Ang bakuna na gagamitin ay nasa “undergoing studies” stage pa lamang at hindi pa nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) sa bansa.

Layon ng gagawing WHO solidarity trial na i-evaluate ang bisa ng efficacy ng candidate vaccines sa mga RT-PCR confirmed at symptomatic cases ng COVID-19.

Ang participants sa nasabing trial ay 18-60-an­yos na hindi pa nababakunahan. Nasa 15,000 participants ang kailangan.

Kabilang sa mga nakahanda nang laboratoryo para sa WHO solida­rity trial ay ang UP-PGH, UP-National Institutes of Health, Lung Center of the Philippines at iba pa.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with