^

Bansa

Suplay ng kuryente sa Luzon, balik-normal na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng kuryente sa Luzon, balik-normal na
Humingi rin ng paumanhin si Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa naranasang brownouts sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila na nakaapekto sa trabaho at ope­rasyon ng mga negosyo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Balik-normal nang muli ang suplay ng enerhiya sa buong Luzon at hindi na magpapatuloy ang ‘rotational brownouts’ na idinulot ng paghinto sa operasyon ng ilang power plants, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi.

Humingi rin ng paumanhin si Cusi dahil sa naranasang brownouts sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila na nakaapekto sa trabaho at ope­rasyon ng mga negosyo.

Nag-umpisa ang ‘rotational brownouts’ sa Luzon nitong Lunes dahil sa nipis ng suplay ng enerhiya.  Bukod sa pagsasara ng ilang planta, nakadagdag dito ang mataas na demand ng mga consumer sa kuryente dahil sa mainit na panahon.

“I apologize for the last 2 days na nagkaroon po ng rotating brownouts. Dahil po ‘yon dahil sa sabay-sabay po na nagkaroon po ng breakdown ng 4 na plantang malalaki,” saad ng kalihim.

Iniulat ni Cusi na ang inaasahang demand kahapon ay 10,300 megawatts habang ang handang suplay ay nasa 11,600 megawattas, sapat para suplayan ang buong Luzon ng kuryente.

vuukle comment

ALFONSO CUSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with