^

Bansa

Pacquiao bumanat kay Cusi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao bumanat kay Cusi
Sa privilege speech ni Sen. Manny Pacquiao, tinuligsa niya si Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa isang hearing ay nangako ang kalihim sa mga senador na hindi mararanasan ang brownout ngayong tag-init, subalit ito na umano ang nangyayari ngayon
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa halip na pulitika, dapat atupagin muna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang problema sa nararanasang brownout sa bansa.

Sa privilege speech ni Sen. Manny Pacquiao, tinuligsa niya si Cusi dahil sa isang hearing ay nangako ang kalihim sa mga senador na hindi mararanasan ang brownout ngayong tag-init, subalit ito na umano ang nangyayari ngayon.

Delikado anya ang pag-iimbak sa mga COVID-19 vaccines at apektado ang pag-aaral ng mga estudyante at mga nagtatrabaho at business sa online.

At dahil miyembro ng PDP-Laban si Cusi ay tiyak na masisisi pati silang mga kapartido nito at maging si Pangulong Duterte.

Si Pacquiao at Cusi ay may hidwaan matapos magpatawag ang kalihim ng national council meeting ng PDP-Laban kahit tutol ang senador na presidente ng partido.

Iginiit ni Pacquiao na dapat magkaroon ng accountability si Cusi sa taumbayan dahil sa nararanasang brownout ngayon sa kamaynilaan.

Samantala, sinabi naman ni PDP-Laban vice president for external affairs Raul Lambino na maaaring maparusahan si Pacquiao dahil sa kanyang aksyon na ang tinutukoy ay ang pagtatalaga ng senador kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves bilang secretary general ng partido.

Iginiit ni Lambino na kilalang kaalyado ni Cusi na walang kapangyarihan si Pacquiao na gawin ito sa ilalim ng konstitusyon ng PDP-Laban. 

vuukle comment

ALFONSO CUSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with