^

Bansa

3 patay sa paghagupit ni ‘Dante’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 patay sa paghagupit ni �Dante�
Sa mga nasawi, dalawa ang mula sa Region 11 kabilang ang isang-taong gulang na batang lalaki na natabunan ng putik; at isang 71-taong gulang na lalaki na tina-ngay ng flashflood, na kapwa taga-Panoraon, Davao del Sur.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang iniulat na namatay habang dalawa ang sugatan at isa ang nawawala sa pagha­gupit ng Bagyong Dante sa Region 11 at Region 12, batay sa huling situa­tion report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga.

Sa mga nasawi, dalawa ang mula sa Region 11 kabilang ang isang-taong gulang na batang lalaki na natabunan ng putik; at isang 71-taong gulang na lalaki na tina-ngay ng flashflood, na kapwa taga-Panoraon, Davao del Sur.

Ang pangatlong nasawi ay isang 14-na taong gulang na babae mula sa Norala South Cotabato.

Patuloy naman ang search and rescue ope­rations sa Norala South Cotabato para sa nawawa-lang 55-taong gulang na ama umano ng pangatlong iniulat na nasawi.

Habang sa Brgy. Macangao Davao Oriental, isang 14-na taong gulang na lalaki ang nagtamo ng head injury; at isang 18-taong gulang na babae ang nabalian ng buto sa hita.

Sa report ng PAGASA, naka-6 na landfall ang bagyo na unang tumama sa Sulat, Eastern Samar ng 8:30 ng umaga noong Martes, sinundan ng ala-1 ng umaga ng Miyerkules sa Cataingan, Masbate.

Naitala ang ikatlong landfall sa Balud, Masbate 3:30 ng umaga at sa Romblon, Romblon ng 8am na sinundan ng 8:50am sa San Agustin, Romblon at saka tumama sa Bataan kagabi.

Si Dante ay namataan sa Pola, Oriental Mindo­ro taglay ang lakas ng hangin na 65 kph at pagbugso na aabot sa 90 kph.

Signal number 2 sa northern portion ng Romblon, Marinduque, northern at central portion ng Orien­tal at Occidental Mindoro, Batangas, Cavite, Bata-      an, southwestern portion ng Bulacan, western portion ng Pampanga, Zambales, Tarlac at Pangasinan.

Signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Romblon, Or. Mindoro at Occ. Mindoro, western portion ng Quezon, Laguna, Metro Manila, Rizal, nalalabing bahagi ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, western portion ng Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Pangasinan, southern portion ng Benguet gayundin sa Visayas ay signal number 1 sa Aklan at nor-thern portion ng Antique.

Sa Sabado ay isa na lang low pressure area ang bagyo habang nasa Batanes.— Angie dela Cruz

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with