^

Bansa

Maguindanao hahatiin; bagong distrito sa Caloocan at Bulacan itatatag

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Maguindanao hahatiin; bagong distrito sa Caloocan at Bulacan itatatag
Sa bagong batas na pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, magkakaroon na ng Maguindanao del Norte at Maguin­danao del Sur.
Presidential Photo/Ace Morandante

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong batas na magiging daan sa paghahati ng Maguindanao sa dalawang probinsiya at pagtatatag ng mga bagong distrito sa Caloocan City at Bulacan.

Sa bagong batas na pinirmahan ng Pangulo, magkakaroon na ng Maguindanao del Norte at Maguin­danao del Sur.

Nakapaloob naman sa Republic Act No. 11545 na hahatiin ang unang distrito ng Caloocan sa dalawang distrito na magkakabisa sa 2022 national and local elections.

Samantala, sa ilalim ng Republic Act No. 11546, mula sa apat ay gagawing anim ang distrito ng Bulacan na magkakabisa sa eleksiyon sa susunod na taon.

Ang unang distrito ng Bulacan ay kabibilangan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan, Bulakan at Malolos City.

Masasakop ng ikalawang distrito ang Baliuag, Bustos, at Plaridel samantalang sa ikatlong distrito mabibilang ang San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Doña Remedios Trinidad.

Magiging fourth district ang Obando, Marilao at City Meycauayan, samantalang sa ikalimang distrito ang Guiguinto, Balagtas, Pandi at Bocaue at mapupunta sa ika-anim na distrito ang Sta. Maria, Norzagaray at Angat.

Lahat ng mga kasalukuyang Representatives ng Bulacan ay magpapatuloy sa kanilang panunungkulan hanggang magtapos ang kanilang termino.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with