^

Bansa

'Diyos na bahala': Palasyo sinagot kung tatakbong VP si Duterte sa 2022

Philstar.com
'Diyos na bahala': Palasyo sinagot kung tatakbong VP si Duterte sa 2022
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte, ika-26 ng Mayo, 2021, habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)
Presidential photo/Robertson Ninal

MANILA, Philippines — Nasa Diyos na raw ang bola kung tatakbong sa pagkabise presidente sa 2022 si Pangulong Rodrigo Duterte, giit ng Malacañang ngayong araw.

'Yan ang ibinahagi ni presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes, ngayong malakas ang ugong-ugong na tatakbo sa pagkapresidente ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte.

"I think I will quote the president: He leaves it to God," ani Roque sa katatapos lang na media briefing kanina.

Ayaw naman sagutin ni Duterte ang tanong ng media kung sinong presidential candidate ang nais niyang makatambal sa kampanya.

Martes lang nang sabihin ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na "hindi isinasara" ni Duterte ang kanyang pintuan sa ganoong posibilidad sa susunod na taon.

"The president would only be open (to running for vice president) if he sees a clamor for it, if the clamor is strong," ani Panelo, na dating tagapagsalita ni Digong ilang taon na ang nakalilipas.

Marso lang nang maibalitang nasa 20 kapartido ni Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pabor na tumakbo ang pangulo sa pagkabise.

Gayunpaman, agad na pinagtaasan ng kilay ni Sen. Manny Pacquiao, na noo'y PDP-Laban acting president, ang nasabing panawagan.

Tatakbo o hindi? Duterte at 2015 substitution

Matatandaang ambigious din ang mga sagot ni Duterte noong 2015 kung tatakbo siya sa pagkapangulo noong 2016: minsan sasabihing hindi siya interesado, minsan oo.

Sa kabila ng lahat ng 'yan, natuloy pa rin siya sa paghain noon ng certificate of candidacy (COC) bilang substitute sa PDP-Laban presidential candidate noon na si Martin Diño.

Ang resulta? Si Digong ang nanalong presidente halos limang taon na ang nakalilipas, dahilan para mahalal bilang pinakamatandang head of state swa kasaysayan ng bansa sa edad na 71. — James Relativo

vuukle comment

2022 ELECTIONS

HARRY ROQUE

PDP-LABAN

RODRIGO DUTERTE

VICE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with