^

Bansa

Dentists, med techs gawing vaccinators

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Nancy Binay na isama ang mga rehistradong dentista at medical technologist sa mga maaaring mag-injection ng bakuna kontra sa COVID-19.

Sa Senate Bill no. 2212 na inihain ni Binay, layon nito na amyendahan ang COVID-19 vaccination act of 2021 o Republic Act 11525 kung saan nakasaad dito na tanging mga pharmacist at mga midwife lamang ang pinapayagan ng makatulong ng mga doktor at mga nurse na magbakuna.

Iginiit ng Senador na dapat madagdagan ang mga health care professionals na tagapagbakuna para mapabilis ang vaccine rollout sa buong bansa.

Minamadali ang pagbabakuna para hindi abutan ng expiration ang mga bakuna at para agad na makuha ang herd immunity mula sa nasabing virus.

Inirekomenda rin ni Sen. Richard Gordon na ikonsidera rin na gawing vaccinator ang mga high school at college gra-duates.

Ayon kay Gordon ma­aari naman umano silang bigyang ng training at magbakuna sa ilalim ng medical personnel.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with