Oil exploration sa WPS itinulak
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate President Vicente Sotto III ang Malakanyang na ikonsidera ang oil exploration sa West Philippine Sea (WPS) habang nagpapa-tuloy ang girian sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Sotto, sa pamamagitan nito ay mapapanindigan ng bansa ang arbitral award na nakuha nito sa pinag-aagawang teritoryo.
Mas maigi rin umanong maghanap na ang mga lider ng bansa ng potensyal na investors para sa pagmi- mina ng langis, gas at iba pang yaman sa WPS.
Iginiit pa ng dating se-nate president na maaari din ikonsidera ng Department of Energy (DOE) ang mga dati ng proposal para sa joint exploration activities sa mga pribadong kumpanya man o bansa kahit pa sa China.
Maaari naman umanong joint partnership na 60-40 kita kung saan ang 60% ay mapupunta sa Pilipinas bilang nagmamay-ari ng teritoryo.
Sinabi pa ni Sotto na hindi ito maaaring ipagbawal ng China dahil isasagawa kung sakali ang oil exploration sa loob ng teritoryo ng bansa.
- Latest