^

Bansa

Meralco magpapadala na uli ng disconnection notice

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula sa susunod na linggo ay ipagpapatuloy na ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagpapadala ng disconnection notice para sa mga kostumer nilang hindi nakakapagbayad ng kur­yente o yaong may mga ‘unpaid overdue bills.’

Kasunod ito nang pagsasailalim muli ng pamahalaan sa NCR Plus areas sa ‘general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions’ simula nitong Mayo 15-31.

Tiniyak naman nito na magiging mapagmalasakit sila sa mga kostumer sa ganitong sitwasyon.

Pinayuhan din nito ang mga kostumer na tala­gang mahihirapang magbayad ng buo na kausapin lamang ang pamunuan ng Meralco upang makagawa ng mas magaan na plano at para maiwasan ang pagpuputol ng linya ng kanilang kuryente.

Matatandaang noong nagpairal ang pamahalaan ng ECQ at MECQ sa NCR Plus areas noong Marso, ay nagpatupad muna ang Meralco ng ‘no disconnection policy’ bilang pagbibigay-konsi­derasyon sa kanilang mga kostumer.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with