^

Bansa

‘State of national emergency’ dahil sa ASF pinuri ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri nina Senators Cynthia A. Villar at Kiko Pangilinan, ang deklarasyon ni President Rodrigo Duterte na ‘state of calamit­y’ dahil sa matin-ding pinsala ng African Swine Flu Fever (ASF) sa hog  industry ng bansa.

Pinasalamatan din ni Villar ang Pangulo sa pagtugon nito sa pana­wagan ng mga senador at iba’t ibang sektor kasabay ng kanyang pahayag na isa itong  ‘welcome development.’

Noong Pebrero pa ipinanawagan ni Pangilinan kay Duterte na magdeklara ng national state of calamity upang masugpo ang ASF na nanalasa sa industriya ng baboy sa Luzon.

Ayon kay Pangilinan, sa pamamagitan ng deklarasyong ito, magagamit na ng pambansang pamahalaan at mga lokal na gobyerno ang kanilang calamity funds, pati na ang Quick Response Fund, para mapondohan ang kanilang mga kampanya kontra ASF at mabigyan ng tulong ang mga naapek-tuhang magbababoy.

Nagpasalamat din si Pangilinan sa Pangulo sa pakikinig nito sa kanyang panawagan, sa pagsasabing ang national state of calamity ay isang epektibong paraan para maibangon ang lugmok  na industriya ng baboy.

Sa ilalim ng state of national emergency, sinabi ni Villar na maaaring maglaan ang pamahalaan ng pondo para sa hog raisers na napilitang patayin ang kanilang mga baboy upang mapigil ang pagkalat ng ASF at ang pagbebenta nito.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with