^

Bansa

Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio
Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang mga gabinete na hindi siya dapat makipag-debate kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio at kung pumasok naman siya sa debate ay baka isipin ng lahat na ang kanyang mga pananaw sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) ay maituturing na polisiya ng gobyerno.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.

Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa.

Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang mga gabinete na hindi siya dapat makipag-debate kay Carpio at kung pumasok naman siya sa debate ay baka isipin ng lahat na ang kanyang mga pananaw sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) ay maituturing na polisiya ng gobyerno.

Dahil dito kaya minabuti na lang umano niyang umatras sa debate dahil posibleng malagay sa ala­nganin ang mga aksyon ng gobyerno pagdating sa WPS. 

vuukle comment

SC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with